Pagpapatibay ng mga pahayag na ibinigay sa website na ito

Ang website na ito at iba pang mga website na konektado dito ay naglalaman ng iba't ibang impormasyon at pahayag hinggil sa mga posibleng epekto at sintomas na kaugnay sa labis, pagbara, o pagkakaroon ng maraming tutuli. Bagama't ang mga produkto na inaalok sa website na ito ay hindi layunin na gamutin, pagalingin, o magsuri ng anumang sakit o kondisyon, at hindi namin layunin na magbigay ng anumang payo sa kalusugan sa sinuman, nais naming ipaalam sa inyo na lahat ng pahayag sa website na ito na may kinalaman sa mga epekto at sintomas ng labis, pagbara, o pagkakaroon ng maraming tutuli ay lubusang nasuri at napatunayan gamit ang sumusunod na mapagkukunan ng impormasyon:

(1) Ang mga pasyenteng may pagbabara ng tutuli (earwax) ay maaaring magkaroon ng mga sintomas, kabilang ang pakiramdam na puno ang tainga, pagkawala ng pandinig, pananakit ng tainga, pangangati, tinnitus, at otitis externa. Ang sintomas ng pagkakaroon ng tutuli ay nangyayari kapag ang natural na mekanismo ng pag-aalis ay naapetuhan o hindi sapat. (Garret A. Horton, Matthew T.W. Simpson, Michael M. Beyea, Jason A. Beyea (2020), Pamamahala sa Tutuli: Isang Makabagong Klinikal na Pagsusuri at Pamamaraan na Nakabatay sa Katibayan para sa mga Doktor ng Pangunahing Pangangalaga)

(2) Ang Tutuli ay maaaring maipon at makabara sa daanan ng isa o magkabilang tainga, na maaaring magdulot ng hindi magandang pakiramdam, pagkawala ng pandinig, tinnitus, pagkahilo, at matinding ubo. Maaari rin itong maging sanhi ng otitis externa. Dahil ang external auditory canal ay may mga nerve fibers mula sa auricular branch ng vagus nerve, ang pag-ubo o kahit cardiac depression ay maaaring kaakibat ng stimulation ng canal mula sa pagbabara o pagtatangkang tanggalin ang tutuli. (Daniel F. McCarter, MD, A. Ursulla Courtney, MD, at Susan M. Pollart, MD. Cerumen Impaction. Am Fam Physician. 2007;75(10):1523-1528)

(3) Karaniwan, ang tutuli ay naglilipat ng mga particle palabas ng tainga na mabilis na pinipigilan ang pagdami nito. Kapag nabigo ang prosesong ito, maaaring magkaroon ng labis na pamumuo ng tutuli, na maaaring humarang o makabara sa auditory canal. Bagama't ito ay medyo maliit na problema, maaari itong magresulta sa ilang iba pang kaugnay na problema, kabilang ang pagkawala ng pandinig, hindi magandang pakiramdam, mga problema sa pagbalanse, tinnitus at maging ang impeksiyon. Kadalasan ang mga sintomas na ito ang pangunahing alalahanin ng mga taong mayroong maraming tutuli. (AJ Clegg, E Loveman, E Gospodarevskaya, P Harris, A Bird, J Bryant, DA Scott, P Davidson, P Little & R Coppin (2010), Ang kaligtasan at epektibong paraan ng pag-alis ng tutuli: isang sistemikong pagsusuri at ekonomikong pagsusuri)

(4) Ang pagbabara ng tutuli ay may malaking bahagi sa pagkawala ng panding, na pinatunayan ng pagpapabuti ng pandinig na 11 hanggang 20 dB sa 50.5% ng mga pasyente at isang pagpapabuti ng 21 hanggang 30 dB sa 29.4% ng mga pasyente matapos alisin ang tutuli. Ipinapakita sa statiscal analysis na ang pagbabago sa average ng air-bone gap bago at pagkatapos alisin ang tutuli sa lahat ng 109 tenga ay 21.19 dB; talagang malaki ang kaibahan. (Sethu T. Subha, Rajagopalan Raman, MS CORL (2006). Paano nakakaapekto ang pagbabara ng tutuli sa pagkawala ng pandinig)

(5) Ang mga pasyente ay naghahanap ng gamot para sa pagbabara ng tutuli dahil sa iba't ibang mga sintomas. Ang pananakit, pangangati, pakiramdam ng pagkapuno, tinnitus, amoy, pagkakaroon ng luga, ubo, at pagkahilo ay ilan lamang sa iniulat, at ang tuluyang pagsara ay maaaring magresulta sa malaking pagkawala ng pandinig. Ang pagkawala ng pandinig ay maaaring mula 5 hanggang 40 dB depende sa antas ng pagsasara sa daanan ng tutuli. Ang mga sintomas ng pagbabara ng tutuli ay kinabibilangan ng: otalgia; tinnitus; kapunuan sa tainga; kirot; ubo; pagkawala ng pandinig; at vertigo. (Peter S. Roland, MD, Timothy L. Smith, MD, MPH, Set R. Schwatz, MD, MPH, at iba pa (2008). Gabay sa klinikal na pagsasanay: Pagbabara ng tutuli).

(6) Ang diagnosis sa pagbabara ng tutuli ay ginagawa sa pamamagitan ng direktang pagsusuri gamit ang otoscope. Kasama sa mga karaniwang sintomas ang pagkawala ng pandinig, pakiramdam ng pagkapuno sa tainga, pangangati, otalgia, tinnitus, ubo, at, sa bihirang pagkakataon, isang pakiramdam na wala sa tamang balanse. Ang pagkawala ng pandinig mula sa pagbabara ng tutuli ay maaaring magdulot ng reversible cognitive impairment sa mga matatanda. (C. Michaudet, MD, John Malaty, MD (2018). Pagbabara ng Tutuli: Diagnosis at Pamamahala. Am Fam Physician. 2018;98(8):525-529)